Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Victoria

Julia Victoria, lalabas ang wild side sa Lovely Ladies Dormitory

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAN sa pagpapa-sexy si Julia Victoria, isa sa bida sa Vivamax six-part mini-series na pinamagatang Lovely Ladies Dormitory.

Mula sa pamamahala ni Direk Mervyn Brondial, tampok din sa serye sina Andrea Garcia, Hershie De Leon, Yen Renee, Tiffany Gray, Alma Moreno, at iba pa.

Ito ay kuwento ng limang babaeng may iba’t ibang pagkatao, prinsipyo at pangarap. Panoorin kung paano nila susuportahan ang isa’t isa sa pagharap sa hamon ng buhay, sa pag-ibig, sa pamilya, at sexual escapades bilang mga sexy at lovely ladies sa makabagong panahon.

Gumaganap dito si Julia, bilang si Stella, isang nursing graduate na nagre-review para sa NCLEX at LET, matalino, matapang at goal-oriented. Plano niyang magpraktis ng nursing sa ibang bansa pagkakuha niya ng lisensiya.

Kuwento ni Julia, “Ako po ang gaganap na nurse sa Lovely Ladies Dorm, you can expect me na bigay-todo kong gagampanan ang sexy role ko roon… Ako kasi rito ay isang nurse na mahiyain, pero nasa loob ang kulo.

“Kaya wild ang kalalabasan ng mapapanood nila sa akin, so, dapat nilang abangan ang seryeng ito ng Vivamax.”

Pagdating naman sa limitations niya sa pagpapa-sexy, ito ang tinuran ng magandang tisay na newcomer na alaga ni Lito de Guzman, “Wala po akong limitations sa pagpapa-sexy. Okay lang maghubad basta may plaster lang po, basta kung ano ang makagaganda sa movie ay go po ako,” nakangiting pahayag ni Julia.

Anong mangyayari kapag pinagsama-sama ang limang magagandang babae sa iisang bubong? Puno ng drama, riot sa kaguluhan, at punong- puno ng kaseksihan.

Abangan ang bagong series na pagbibidahan ng limang sexy actresses na siguradong mang-aakit sa lahat ng manonood, malapit na sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …