Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dr Michael Aragon Jericka Madrigal Ericka Bale

Newbie actress, Jericka at Ericka palaban 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NASA post production stage na ang reality movie na layong ipalabas ni Dr Michael Aragon sa iba’t ibang parte ng mundo. Sa mga film festival na sasalihan ng Socmed Ghosts.

Ang ganda ng intensiyon ni Doc Michael sa nasabing proyekto.

Nagbigay siya ng libreng workshop sa hopefuls. Inilagak ang mga sumali sa isang condo na mala-Bahay ni Kuya. At ang  mga pagsubok sa kanila ay ang katatagan nila hindi lang sa pag-arte kundi maging sa pagbabalita rin, among other things.

Resibo ng mga nilampasan nilang pagsubok sa pagsalang sa workshop ang makakamtan ng mga sumali.

Sa pamamagitan ng pag-arte nila sa nasabing proyekto.

Na istoryang hinabi naman ni Doc Mike mula sa malikot na isip niya na layon naman na may maipakita sa mundo sa mga kaganapan sa ating bansa.

Apat na social issues ang sesentrohan ng pelikula. Judicial killings. Climate Change. Poverty. At child prostitution.

Dito sa huli, siniguro ni Doc Mike ang pag-angat ng dalawang hopefus niya mula sa 2nd batch ng workshoppers niya.

Si Jericka Madrigal. Na nang madiskubre ay kasama ng inang nagtitinda sa isang talipapa sa Novaliches. Pumayag nang tanungin ng director na si Jojo Albano, na isa ring stunts director kung gusto niya mag-artista.

Aatras na sana si Jericka dahil sa kuwadra ng stuntmen siya napadpad. Pero kaagad din naman niya naisip na baka naman maging daan iyon para may mga royekto ring aarte siya na maibigay sa kanya.

Fast forward na tayo sa Socmed Ghosts. Papel ng anak na ibinenta ng  ama sa isang politiko ang karakter ni Jericka. Ginahasa. Pinatay. At ang multo niya ang maghahanap ng hustisya.

Kapatid niya si Ericka Bale. Napasok sa prostitusyon dahil sa kahirapan. 

Nakare-relate si Ericka sa papel niya dahil nagmula siya sa isang magulong pamilya na away ang inaalmusal, at sari-saring babae ang ibinabalandra sa mga mata niya ng ama.

Si Jericka ay 16 at 19 si Ericka. Mas may karanasan na sa pagganap ang mas bata. At sa isang proyekto ng HBO (na hindi pa naipalalabas) ay naka-arte na siya. 

Si Ericka, palaban. Gagawin naman ang lahat ng role na ipagawa sa kanya sukdulang maselan ito basta naaangkop sa istorya.

May kasunod na silang proyekto sa KMSBPI ni Doc Mike. Na nagnanais lang na maging boses para masabi ang mga sari-saring kanser sa ating lipunan.

Paglilinaw din niya, walang anggulong politika sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …