Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loinie Loisa Andalio Ronnie Alonte
Loinie Loisa Andalio Ronnie Alonte

LoiNie peg ang KathNiel 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NANG tanungin ang magsing-irog na Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Finale Media Conference ng Love in 40 Days na tinatampukan nila kung naniniwala ba sila sa seven year itch, mukhang hihintayin muna nila itong dumating habang lalo pa nilang pinaiigting ang kanilang relasyon.

Aminado ang dalawa na to get to where they are now in their relationship, eh hindi nga madali.

May malala na rin naman silang mga away.

But they made it a point na agad ayusin at pag-usapan ang anumang hindi nila nagiging pagkakaintindihan. Sa anumang bagay.

Hindi maikakaila ang napakagandang aura ng dalawa nang humarap sa media kasama ang iba pang members ng cast.

Hindi rin nila naikaila na kung may ipe-peg silang loveteam sa kasalukuyan, ‘yun eh ang KathNiel.

The show directed by prolific serye crafters Manny Palo and Jojo Saguin, made it a point na subaybayan ng viewers ang programa na malapit nang matapos.

Kaya naman binusising mabuti ang magiging pamatay na ending nito.

Maraming nai-share ang LoiNie sa pagsasama nila sa trabaho. Sa umpisa ay nahirapan at nahamon din. Dahil nga too comfy na sila with each other, hindi agad naiarte ni Ronnie ang eksena noong bago pa lang niyang kakilala ang karakter ni Loisa.

Pamatay ang look of love ng real life couple. Pinatutunayan lang na sa anim na taong inaalagaan nila ang relasyon, tumutupad at sumusunod sila sa tawag ng mga puso para sa isa’t isa.

Nag-share si Lotlot de Leon ng naging advice niya sa LoiNie sa buhay nila under locked in taping.

Ang payo ko sa kanila had something to do with work. Na mag-focus sila roon. Ang pinaka-importante eh, ang mag-ipon. O magkaroon ng business. Kanya-kanya man o partnership.”

Samantla, hindi mawawala sa pakikipag-usap kay Lotlot ang pangungumusta sa ina.

Nagkikita naman sila nito. Nagkakausap. If there’s one wish na gusto ni Lotlot na maiparating sa ina, ‘yun eh, “Ma, chill ka lang. Relax. Hindi na tayo bumabata. Gusto ko naman na ma-enjoy naman niya ang time niya. At makapahinga dahil sa estado niya, hindi na naman niya kailangan na magpakapagod pa.”

Noong una, inakala ko na super lalim ang tema. Pero naipaintindi ng creatives ang punto ng palabas.

Nang tinanong ang cast sa idea nila sa death o kamatayan, walang natatakot. They know it will come. Kaya before it comes, make a life with a purpose! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …