Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catriona Gray Kate Hillary Marianne Biatriz Bermundo

Kate Hillary Tamani idol si Catriona Gray, pambato ng bansa sa 2022 Little Miss Universe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI  Kate Hillary Tamani ang pambato ng Filipinas sa Little Miss Universe 2022 na gaganapin sa Dubai sa October 25 – 30, 2022.

Si Kate ang eldest daughter nina Mr. Romeo Tamani II and Mrs. Lenelyn Tamani. Siya ay 8 years old, Grade 3 student sa St. Rose of Lima at Manila Cathedral School. Dream daw ni Kate na maging isang doktor, someday. Gusto rin niyang pumasok sa showbiz at maging artista.

Ngayon ay puspusan ang training na ginagawa ni Kate sa tulong ng kanyang very supportive dad, para makatiyak na maiuuwi niya ang korona.

May talent portion ba rito? Sagot nang napakabibang si Kate, “Opo, may talent portion po rito, iyong talent ko po na gagawin is dancing po, kasi masaya po ako kapag nagda-dance like ‘yung mga Tiktok po.”

Sino ang kanyang paboritong Filipina beauty queen na ina-idolize talaga niya?

Aniya, “Si Catriona Gray po, kasi po sobrang galing po niyang maglakad, ang ganda-ganda po niya, pati ‘yung mga gown niya ang gaganda po.”

Kasamang magtutungo ng Dubai ni Kate ang reigning Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo para magsalin ng korona sa mananalong Little Miss Universe.

Ano ang payo ni Marianne kay Kate?

“Be yourself and never give up, kasi if you will be yourself, kaya mong gawin ito with more actions and your personality, hindi ka mahihirapang magampanan ang pagiging Little Miss Philippines Universe if you just be yourself, ” sambit ni Marianne na puwedeng-puwedeng pumasok din sa showbiz dahil sa taglay niyang beauty.

Ipinahayag ni Ayen Cas ang suporta niya sa mga pambato ng Filipinas. “My support to the kids, I know the culture of pageantry… I’ve been doing grand fairy tales since I was in Shaw Boulevard. Sa ngayon po nagpa-practice kami ng question and answer,” saad ni Ayen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …