Sunday , December 22 2024

Tara, “RoadTrip” tayo sa Baguio City

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SAAN ka punta? To the moon? Hindi! Magbabakasyon sa Baguio City.

Bago umakyat sa kilalang “Summer Capital” ng bansa, pinaplano nang husto ng mga bakasyonista kung ano-anong mga tourist place ang kanilang pupuntahan sa lungsod lalo sa mga first timer – nandiyan ang kilalang parke na marka ng Baguio City, ang Burnham Park. Walang bakasyonistang nakalilimot sa parke dahil ito ay nasa puso lang ng lungsod at ang aktibidad na “boating.”

Marami pang magagandang tanawin sa lungsod, isa sa pinakabago ay ang Igorot Stone Kingdom. Nakamamangha ang manmade kingdom na ito.

Kadalasan, nakalilimutan ng nakararaming bakasyonista na isama sa kanilang itinerary kung saan sila kakain matapos ang pamamasyal kaya, ang bagsak nila ay sa mga fast food chain pa rin.

Hayun, ang kanilang almusal, tanghalian at hapunan ay mula sa fast food pa rin. Mga pagkain dito na ipinaiiwas o pinababawasang kainin ng mga nutritionist. Alam n’yo naman kung bakit.

Kaya sa mga nagpaplanong umakyat sa Baguio City sa mga susunod na araw, isama n’yo sa inyong itinerary kung saan kayo kakain – agahan, tanghalian at hapunan…isama na rin ninyo ang meryenda.

Puwes, kung tamang kainan at masasarap na putahe ang hanap ninyo…tara sa  RoadTrip Kitchen & Café na matatagpuan sa Upper Ground Floor ng Cedar Peak Condominium, Upper Mabini St., malapit lang ito sa Session Road kaya madaling makita, mapuntahan at hindi kayo maliligaw. Parking space? Wala pong problema.

Kaya sa pagpunta sa lungsod, inyo nang ikonsidera ang “RoadTrip.” Masasarap ang putahe rito – hindi n’yo na kailangan pang pumunta sa Ilocos – dinala na sa Baguio City ang Ilocos. Opo, authentic Ilocano dishes ang isinisilbi ng RoadTrip.

Ano-ano naman ang best seller ng RoadTrip na itinatag noong April 2018 ng may-ari na si Ginoong Richard Busini, tubong Ilocos? Heto ang ilan sa natikman ko na personal kong inirerekomenda; grilled beef in caldereta sauce; crispy dinakdakan; crispy dinuguan; pakbet with bagnet; and dried spicy adobo. Masarap at abot kaya ang presyo. Sulit na sulit po ang lahat. Makalilimutan mo ang pangalan mo kapag ang mga putaheng ito ay natikman mo. He he he…I mean, hindi mo makalilimutan ang resto at ito ay inyong babalik-balikan.

Katunayan, ang mga natikman ko ay pawang nasa listahan ng best seller ng RoadTrip. Narito pa ang mga binabalik-balikan ng kanilang mga suki: BellyChon Sinigang; BellyChon Paksiw; BellyChon Kare-kare; Igado Ilocano; Sinisig Chicharon Bulaklak; Ini-ing Lechon Kawali; Beef Pigar-Pigar; Seafood sa Gata; Seafood Sinigang sa Kamatis; Black Pepper Crab in Creamy Salted Egg; Kiwar-Kiwar (sinisig chicharon bulaklak, silet at lechon kawali), at Pinaputok na Relyenong Bangus.

Hindi lamang ‘yan ang mga nakatatakam na inihahanda ni Chef Richard (ang may-ari) sa mga kustomer kung hindi marami pa tulad ng pancit Vigan, pancit Vigan beef pigar-pigar, pancit Vigan in salted egg, at seafood pancit Vigan.

Para mas okey at hindi makalilimutan ang selfie/groupie ng pamilya at dabarkads, subukan din ninyo ang boodle fight menu ng RoadTrip. Tiyak na mas mag-e-enjoy kayo. Habang kung mag-isa o trip ang ‘ika nga platter meal ay mayroong affordable rice toppings ang restoran.

Katunayan, sulit na sulit ang per servings at higit sa lahat ay magandang pangFB at IG ang presentation ng mga pagkain. Ambiance? Malinamnam din este, pang-selfie rin. Maipagyayabang mo sa FB at IG mo. He he he…

O ano, akyat na ba kayo sa Baguio City bukas? Brrrr…lamig na rito. Huwag kalimutan na bisitahin ang RoadTrip. Masarap ang mga pagkain rito. A must try resto in Baguio. Kita-kits tayo sa Baguio ha…

Tara RoadTrip tayo sa Baguio!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …