MAGKAKASA ng programa ang Malacañang laban sa fake news sa mga darating na araw.
Inihayag ito ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Cheloy Garafil kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey na siyam sa sampung Pinoy ay naniniwalang problema sa Filipinas ang fake news.
“Ito po ay isang seryosong bagay na tututukan ng OPS kaya ngayon sir meron kaming mga programa na ili-lay down in the coming days,” sabi niya.
“We’ll let you know kasi gusto rin talaga natin na ma-address itong mga problema ng fake news,” dagdag ni Garafil.
Noong Pebreo 2022, inihayag ng grupo ng fact-checkers na si noo’y presidential bet Ferdinand Marcos Jr., ang nakikinabang sa mga kumakalalat na kasinungaligan o ‘falsehoods’ sa 2022 presidential elections campaign.
Gaya ng imbes bayaran ang pagkakautang sa pamahalaan na P203-B estate tax mas pinili ni Marcos Jr., na gastusan ang social media upang ilako na fake news ang atraso ng kanilang pamilya sa bayan.
Noong 1997, kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbasura sa hirit ng mga Marcos laban sa “1993 levy and sale on 11 Tacloban properties meant to settle the delinquent tax debt.”
Kinompirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ipinadalang demand letter sa pamilya Marcos noong Disyembre 2021 hinggil sa utang nilang P203-B estate tax.
Sa kasalukuyan ay ‘nagsasabong’ ang mga vlogger na sumuporta sa kandidatura ni Marcos Jr., dahil may kanya-kanyang kinikilingang opisyal ang administrasyon. (ROSE NOVENARIO)