Sunday , April 13 2025
Kate Hillary Marianne Biatriz Bermundo

Marianne at Hillary lilipad sa Dubai para sa Little Miss Universe 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGKASAMANG aalis papuntang Dubai sa October 24 sina 2021 Little Miss Universe2022 Asian Business Excellence Awards Most Outstanding Teen Model Marianne Biatriz Bermundo at 2022 Little Miss Universe- Philippines Kate Hillary Tamani para sa 2022 Little Miss Universe.

Ipapasa ni Marianne ang kanyang korona sa hihiranging 2022 Little Miss Universe, samantalang si Kate naman ang pambato ng Pilipinas.

Kasamang pupunta ng Dubai ang very supportive mom ni Marianne na si Virgie Batalla-Bermundo gayundin sina Ayen Castillo (trainor and CEO & President ng Aspire Magazine Philippines) at ang daddy ni Kate na si Dr Mio Tamani.

 Payo ni Marianne kay Kate, i-enjoy lang nito ang kanyang journey sa international pageant. “Make friends at ibigay mo ang iyong 100% para maiuwi ang Little Miss Universe crown,” ani Marianne.

Ipinangako naman ni Kate na ibibigay niya ang lahat ng makakaya para maiuwi ang naturang korona. Kaya naman naka-focus ito sa kanyang  training ng pasarela/modeling, question and answer at sa kanyang gagawing talent, ang pagsayaw.

Sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at 2022 Miss Universe-Philippines Celesti Cortesi ang kapwa iniidolo nina Marianne at Hillary.

About John Fontanilla

Check Also

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene at ina sobrang nasaktan, Dennis binalewala sa kasal ng anak

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga naawa kay Dennis Padilla sa naging sentimyento nito sa …

Glaiza, Kylie, Sanya, Gabbi bardagulan bilang Sang’Gre

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE lang ang teaser na inilabas para sa coming GMA series na Sang’Gre pero humamig na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi itinangging may ipinaretoke; Ilong malaking insecurities 

I-FLEXni Jun Nardo MAHILIG si Ivana Alawi sa hotdog. Pero ‘yung pagkaing hotdog, huh! Naging dahilan nga …

Buraot Kween

Nora, Vilma, Maricel, at Sharon gustong makatrabaho ni Buraot Kween

MATABILni John Fontanilla TULOY na tuloy ang pagpasok sa showbiz ang isa sa Queen ng …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn Bernardo masaya kahit single

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ni Kathryn Bernardo na in a relationship siya ngayon. Sa isang interview, …