MATABIL
ni John Fontanilla
PALABAN ang pambato ng Pilipinas sa 2022 Little Miss Universe na gaganapin sa Dubai sa October 24 na si Little Miss Universe-Philippines Kate Hillary Tamani.
Kasamang magtutungo ng Dubai ni Kate ang reigning Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo para magsasalin ng korona sa mananalong Litte Miss Universe.
Ibinahagi ni Kate ang kanyang adbokasiya, ang pagtulong sa kapwa at magbigay inspirasyon sa mga katulad niyang bata na ‘wag matakot na ipakita ang talento at magpursige para makamit ang pangarap.
Ang husay niya sa pagsayaw ang ipakikita sa talent portion ng Little Miss Universe.
Sa ngayon puspusan ang training na ginagawa ni Kate Hillary katulong ang kanyang very suppotive dad na si Dr Mio Tamani para maiuwi ang korona.