Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Liza ang magulo sa gobyerno ni Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

HINDI pa man nag-iinit sa pagkakaupo sa kanyang trono si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tunay na kulay at hilatsa ng pag-uugali ng kanyang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos ay kitang-kita at damang-dama ngayon sa loob ng Malacañang.

Lumalabas, si Liza ang nag-iisang bastonero sa Palasyo at ang lahat ng mahahalagang pangyayari o kaganapan ay kailangang malaman at magdaan sa kanya bago pa man magdesisyon si Bongbong.

Unang nagpakita ng ‘kamay na bakal’ si Liza nang mapilitang magbitiw sa puwesto si dating Executive Secretary Vic Rodriguez dahil na rin sa sunod-sunod na kapalpakan nito na nagsimula kay Pastrana, Lotilla, hanggang sa sugar importation scandal.

Ang masakit nito, sa gitna ng ginagawang cleansing sa Malacañang, tuluyang nasagasaan si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit Chair Jose Calida nang hindi ma-reappoint ang dalawang Cabinet members.

Masakit ang ginawa sa tatlong cabinet secretaries dahil kahit sabihin pang sila’y may mga pagkakamali, dapat ay binigyan sila ng tinatawag na graceful exit para kahit na paano ay hindi lumabas na kahiya-hiya at sa kanilang pag-alis ay dala-dala nila ang kanilang dignidad.

Pati mga alagang bloggers ni Liza ngayon ay

nag-aaway-away dahil sa palpak na pamamalakad tulad ng nangyayaring favouritism at hindi patas na pamamahagi ng tinatawag na ‘grasya’ na pinagmumulan ng gulo at intriga.

At mukhang kinopo na ni Liza ang kapangyarihan sa Malacañang dahil halos wala na sa eksena ang iba pang power bloc tulad nina Special Assistant to the President Ernesto “Repapips Anton” Lagdameo, DILG Secretary Benhur Abalos, at House Speaker Martin Romualdez.

Sa ngayon, talagang kailangan ng maayos at matinong advisers ni Bongbong at hindi dapat na masentro lamang kay Liza ang impluwensiya at mga desisyon lalo’t marami ang nagsasabi na bagsak ang grado ng presidente sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.

Kailangang kumilos at tugunan ni Bongbong ang problema sa mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar, mababang pasahod, insurgency, krimen, droga at West Philippine Sea.

Hindi dapat magpapetiks-petiks si Bongbong sa kanyang panunungkulan dahil seryoso ang problemang kanyang kinakahaharap hindi lamang sa usapin ng ekonomiya kundi sa politika tulad ng banta ni dating Pangulong Digong sa isinagawang National Assembly ng PDP-Laban nitong Setyembre 29.

Sabi ni Digong… “But the president can be very sure that in the coming days, we will fiscalize. Pag may nakita tayong masama, we will raise our voice because that is the essence of democracy.”

Kaya nga, dapat maghinay-hinay at mag-isip-isip itong si Liza dahil baka magulat na lamang siya na wala nang kakampi ang kanyang mister at pati ang malalapit nilang mga kaibigan ay lumayas na mula sa Malacañang.

Manang Imee…pasok!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …