PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
EXCITED and honored si Rayver Cruz ngayong bahagi na siya ng Beautederm family bilang bagong ambassador ng Blanc Set.
Nag-post nga ng pasasalamat si Rayver sa Instagram. “I am so pleased and honored to reunite with my peers as BEAUTeDERM welcomes me as its Newest Brand Ambassador. This is a wonderful new adventure in my career that I am so stoked about! I’m excited to be part of the gang and the many things that we will do together for the brand. Thank you Ms. Rei Tan @missrheatan and to my @beautedermcorporation Family!”
Natutuwa si Rayver dahil marami sa Beautederm ambassadors ay mga kaibigan niya tulad na lang ni Carlo Aquino na nag-welcome pa sa kanya sa Beautederm family sa isang video.
Ayon kay Rayver, perfect sa kanya ang Blanc Set dahil bilang artista kailangan niya ng clear and acne-free skin.
Samantala, masaya namang nag-post sa Facebook ng kanilang bonding photos ni Rayver ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan.
“I havee a new babyyy!!! Welcome to our @beautedermcorporation family Nak!!! @rayvercruz ,” sabi ni Ms. Rhea sa caption.