ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SI Janelle Tee ay tampok sa seryeng Anna na napapanood na ngayon sa Vivamax.
Dito’y napilitang kumapit sa patalim at naging prosti ang karakter niya. Ito ang kuwento ni Anna Clemente sa four-part Vivamax original series na Anna na mula sa pamamahala at panulat ni Direk Jose Javier Reyes,
Si Anna ay isang simpleng empleyado na iba’t-ibang produkto ang ibinebenta, hindi nga lang sapat ang kinikita nito. Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad nang tama sa kanyang upa. Kaya mapipilitan siyang maghanap ng easy money at ito’y sa pagpasok sa prostitusyon.
Sa zoom presscon nito, nabanggit ni Janelle na nakaka-relate siya kay Anna dahil siya ang breadwinner sa kanilang pamilya.
Aniya, “I think I could really relate to Anna in a sense, kasi nga again, I’m the breadwinner of the family. Mas mahirap pa, kasi talagang, alam mo iyon? Kaya raketera ako… like parang, kung anong raket, mapa-hosting man ng event or hosting sa TV, iyon ang mga ginagawa ko rati. And of course, joining pageantry…
“So, I think nasolusyonan ko siya thru, just knowing that God really provides. Na kahit na gipit na gipit ka sa pera, alam mo iyon? Talagang, na aside sa mga raket from hosting, talagang nagbebenta ako ng mga damit, ganyan.
“So, talagang kailangan ng diskarte. either you are a breadwinner or not, kailangan talaga sa buhay na mapamaraan ka, madiskarte. So I think, everyone of us should also have that.
“Kasi to a point naman na talagang magkakaroon at magkakaroon tayo ng mga problema and ang importante is malulusutan or masosolusyonan natin ito, thru diskarte nga, diskarte sa buhay,” mahabang esplika pa ni Janelle.
Ang beauty queen turned actress ay may mensahe rin sa mga taong judgemental sa tulad ni Anna.
Pahayag ni Janelle, “Hindi kasi natin masasabi talaga unless we are the one experiencing it and tayo ang nandoon sa sitwasyon nila. So, sana ay huwag natin silang i-judge dahil hindi rin natin alam kung ano ang magagawa natin kung we were in that position.
“So we should always think na ilagay natin ang sarili natin sa position nila, if what we would do, hindi ba, kapag in times na we are in dire needs? So, huwag natin silang i-judge,” sambit pa ni Janelle.
Tampok din sa seryeng Anna sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Guji Lorenzana, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta, at Clara del Rosario.
Bilang prosti, ang pangalan ng character ni Janelle ay Mei Ling. Sa pagsiping niya sa iba’t-ibang lalaki, paano nila maapektuhan ang buhay ni Anna?
May patutunguhan pa kaya ang relasyon niya sa kanyang long distance boyfriend na si Guido? Ito ay ginagampanan ni Greg. Si Migs naman ay si Jason, ang nagpasok kay Anna sa agency. Matagal na rin itong sex worker. Si Guji ay si Benedict, pamilyado ngunit kliyente ni Anna. Si Fabio ay si Virgil, ang boss ni Guido na magiging kliyente rin ni Anna. Siya na ba ang magsisiwalat ng sikreto ni Anna?
Si Rolando ay si Atendido, isang imbestigador na maraming matutuklasan. Samantala, si Rob ay gumaganap bilang si Eunice, ang best friend ni Anna. Dahil siya mismo ay liberated, mauunawaan niya ba si Anna o magiging mapanghusga ito?
Tutukan ang bawat episode ng “An/Na”. Saksihan ang kanyang pakikipagsapalaran hanggang sa nakaaantig na pagtatapos.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.