NALAGASAN ng isang miyembro ang mga nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan matapos madakip ang isang lalaking sinasabing sangkot sa naturang ilegal na gawain sa operasyong ikinasa ng pulisya sa bayan ng Bocaue nitong Martes, 4 Oktubre, .
Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Miguel Andres, residente ng Brgy. Bambang, sa nabanggit na bayan.
Inaresto si Andres dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa operasyong ikinasa ng magkasanib na mga pwersa ng mga tauhan ng Bocaue MPS at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa naturang barangay dakong 5:25 ng hapon kamakalawa.
Sa operasyon, binentahan ng suspek ng 36 reams ng Two Moon cigarettes ang isang police poseur buyer na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang kahon ng Two Moon cigarettes, dalawang kahon ng Carnival Red cigarettes, isang kahon ng Modern cigarettes, at P9,000 buybust money.
Kaslaukuyang nasa kustodiya ng Bulacan PIU ang suspek at mga nakumpiskang mga piraso ng ebidensiya. (MICKA BAUTISTA)