Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivy Violan Rozz Daniels Irelyn Arana

US based singers na sina Rozz Daniels at Irelyn Arana, inireklamo si Ivy Violan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DALAWANG Pinay singers na nakabase sa Amerika ang nagreklamo sa veteran singer na si Ivy Violan. Sila’y sina Rozz Daniels at Irelyn Arana.

Si Rozz na tinaguriang Soft Rock Diva ay nakatira sa Wisconsin at si Irelyn naman ay nakabase sa Chicago. Magkasama ang dalawa sa isang KUMU show, ang The Rocks and Rozz Show.

Sinabi nilang kinontrata raw sila ni Ivy bilang talents nito na kapag may shows sila ay entitled ito sa komisyon. Ngunit iba ang nangyari sa kanilang inaasahan. Ipinag-compose raw sila nito ng mga  kantang ini-record nila, sila raw ang gumastos at nagpaluwal pa ng pera para umano sa kanilang recording. 

Nangako raw si Ivy na lalakarin nito na ma-release sa Viva Records ang kanilang mga pinaghirapang kanta. Ngunit pagkatapos ng kanilang paghihintay at natapos na ang kanilang recording, nagtataka raw sila dahil napako na ang ipinangako nitong mai-release ang kanilang songs sa Viva.

Wika ni Rozz, “Nagawan ako ng seven songs ni Ivy, nagbayad ako sa kanya ng $1,000 per song plus sa arrangement pa sa bawat kanta. Sabi niya, napasok na niya sa Viva Records. I know Viva is a big recording company. July 2021 ko natapos ang kantang Alay Sa ‘Yo and up to now, hindi pa rin nare-release. She’s using Viva Records.”

Si Irelyn naman ay nagbayad daw kay Ivy ng $2,000 para sa dalawang kanta. “Gusto ko lang magkaroon ng isang kanta lang na matatawag kong akin. So, pumayag ako, sabi niya, kasama roon ang promotion and it’s gonna be thru Viva Records, tapos sila ang mag-e-air ng kanta sa ibinayad ko.”

Wika pa ni Irelyn, “Kilala ko siya, si Ivy Violan siya, isang icon. So, I never thought na lolokohin niya ako.”

Ayon pa kina Rozz at Irelyn, sobra raw ang laki ng respeto nila kay Ivy at nanghinayang sila sa pag-abuso nito sa kanilang tiwala. Nagsalita raw sila para maging babala na rin sa iba pang singers na umano’y baka mahulog sa modus ng singer. Gusto rin nilang maibalik ang lahat ng kanilang mga ginastos o kung hindi man, ibigay sa kanila ang rights ng nai-record nilang mga kanta na kinompose nito.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Ms. Ivy Violan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …