ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG mahusay na veteran actress na si Andrea del Rosario ay aminadong nanibago sa pelikulang May-December-January dahil bukod sa mapangahas ang role rito, sumabak sa daring na eksena ang aktres.
Esplika ni Ms. Andrea, “Yes of course, since I went into so many fields, pageant, public service, motherhood… So hindi naman mawawala iyon. I don’t think that in a few years, they will still see we as an actress na ‘hot’ pa rin! Hehehe! That’s why I said, ‘Why not?’ Of all the actresses in the country, they still saw me as somebody ‘hot’ and can execute some of the heavy drama scenes, so, I‘m flattered.”
Mula sa pamamahala ni Direk Mac Alejandre, tampok din dito sina Kych Minemoto at Gold Aceron. Ito ay kuwento ng mag-ina (Andrea at Gold) na magmamahal sa isang lalaki (Kych).
Paano niya ide-describe ang love scene nila rito? “Steamy, hahaha!” Matipid na sagot ng orig member ng Viva Hotbabes sabay halakhak.
How about sa kanyang role, paano siya nag-prepare? “My focus as an actress since mother naman ang role ko rito… my intention in accepting this movie was not naman to seduce! Hehehe! My goal was to portray the role as honest as possible… a mother that just fell for a younger guy.
“As an actor, my focus was just to be open to learning,” pahayag pa ng aktres.
Ano ang masasabi niya kina Kych at Gold, plus kay Direk Mac? “Sina Kych at Gold? All praise and respect. I know that they will go a long way, because they are so professional! And I’m just happy that we are all in this together. Because inalagaan din nila ako sa mga scenes.
“Kay Direk Mac naman, very passionate siya talaga. He has a lot to give to the industry, a lot of stories he wants to tell, you just have to understand him and understand how he works,” wika pa ni Ms. Andrea.
Si Andrea ay gumaganap dito bilang si Claire, single mom at career woman. Bago pa man ipagtapat sa kanya, alam na niyang bakla ang anak. Tanggap niya ito nang buong-buo ngunit mahahati ang puso niya dahil pareho sila ng lalaking minamahal. Si Gold ay si Pol, edad 17, malapit siya sa ina kaya hindi siya nahirapang aminin ang totoong katauhan. Ang hindi madali para sa kanya ay ang pigilan ang nararamdaman para sa kanyang best friend at tanggapin na karibal niya ang kanyang ina. Si Kych ay si Migoy, edad 19 ngunit mature na mag-isip.
Laging bukas ang tahanan ng mag-ina sa kanya kaya naman hindi nito maiwasang mahulog ang loob kay Claire. Patutunayan nito na tunay at malinis ang kanyang intensiyon sa nanay ng kanyang kaibigan. Sa nakaaantig na love triangle na ito, sino nga ba ang lubos na magsasakripisyo para sa pamilya at pagkakaibigan?
Ipalalabas sa mga sinehan ang Ricky Lee’s May-December-January sa October 12. Trailer pa lang, dama na ang malalim na emosyon ng mga bida. Kaya hindi ito dapat palagpasin!