Thursday , May 15 2025
Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng Pamahalaang Panlalwigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Development Enterprise Office ang buong buwang selebrasyon ng 2022 Cooperative and Enterprise Month sa pamamagitan ng Cooperative Parade Kickoff Ceremony and Kooplympics na dinaluhan ng 2,500 na mga miyembro at mga opisyal na ginanap sa Bulacan Sports Complex dito kamakalawa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Bokal Allen Dale Baluyut, Chairperson ng Committee on Cooperatives, na ang pagdiriwang ay magiging isang magandang pagkakataon para palakasin ang mga miyembro ng mga kooperatiba.

“Dito sa ating minamahal na lalawigan, ito din po ay isa sa pagkakataon na iangat ang modelo ng negosyo ng kooperatiba bilang pinakamahusay na paraan upang bumuo ng ekonomiya na nagbibigay ng kapangyarihan sa lahat ng miyembro at indibidwal. Umaasa po ako na magiging matagumpay ang simula ng ating selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba ng ating lalawigan,” ani Baluyut.

Hinikayat din ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga malalaking organisasyon na bumuo ng sarili nilang mga kooperatiba at isinulong ang mga online platform sa pagsisimula ng maliliit na negosyo.

“Isa ito sa layunin ng ating People’s Agenda 10. Hinihikayat ko na po ngayon ang lahat ng malalaking organizations na maglagay ng kooperatiba sapagkat naniniwala po ako sa layunin ng ating former Governor Obet Pagdanganan na maiahon ang mga kalalawigan natin sa mga maliliit na pagnenegosyo. Lalo po ngayon mas kailangan ng coop; mas magagamit kasi po kahit dalawang libo o tatlong libo lang at mayroon kang puhunan ay makakapag o-online (selling) ka,” anang gobernador.=

Pinangunahan rin ni Fernando ang panunumpa ng mga PCDC Officers kasama si dating Gobernador Roberto “Obet” Pagdanganan.

Dinaluhan rin ang kick-off ceremony nina Bise Gobernador  Alexis C. Castro, Regional Director Cristina H. Villamil ng Cooperative Development Authority R3, at Chairperson Nicanor B. Briones ng Committee on Cooperative (Congress).

May temang “Koopinas: Nagkakaisang Lakas Para Sa Makabuluhan At Sama-Samang Pag Unlad”, itatampok sa buong buwang pagdiriwang ang iba’t ibang mga aktibidad kabilang na ang Cooperative Federations and Union’s Day sa Oktubre 7; Cooperative and Enterprise Trade Fair sa Oktubre 12-16; 9th Central Luzon Regional Kooplympics: Jungle Edition on October 20; Cooperative Manager’s Day “Raising the Bar Towards Excellence” sa Oktubre 21; at 2022 Gawad Galing Kooperatiba Awarding Ceremony sa Oktubre 28.

Tuluy-tuloy rin ang pagdiriwang hanggang Nobyembre sa dalawang linggong selebrasyon ng 2nd Bulacan Transport Service Cooperative Congress at 2nd Central Luzon Regional Tripartite Conference for Cooperative Development “Enhancing Policy, Regulatory Environment and Partnership” sa Nobyembre 23-25.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba tuwing Oktubre noong 1989 sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution 449. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …