Sunday , December 22 2024
Jeric Gonzales

Jeric nasa cloud 9, sobra-sobra ang pasasalamat

RATED R
ni Rommel Gonzales

“I am grateful and thankful to GMA for giving me this opportunity and I’m proud of myself of course.

“Ginawa ko po ‘yung best ko rito,” bulalas ni Jeric Gonzales tungkol sa bagong drama series ng GMA na Start-Up PH.

“Until now I’m still overwhelmed talaga na kasama ako rito sa Start-Up Ph. 

“And ako ‘yung nag-play sa role ni Davidson Navarro na which is si Nam Do-san dun sa original.

“Kasi pinanood ko talaga ‘to eh, and I never expect na darating ‘yung time na gagawin ‘yung adaptation na ’to rito and ako pa ‘yung magpe-play ng role na ‘to,” sambit ni Jeric.

Sabay na nakamit ni Jeric ang dalawa niyang pangarap, ang mapasama bilang isa sa mga bida sa Start-Up Ph at makatrabaho ang mga artistang hinahangaan niya.

“And of course to work with Miss Bea Alonzo, Alden Richards and Miss Yasmien Kurdi, ang suwerte ko po talaga!”

Unang napanood noong 2020, ang original at Korean version ng Start-Up na tinatampukan nina Bae Suzy (bilang Seo Dal-mi), Kim Seon-ho (bilang Han Ji-pyeong), Nam Joo-hyuk (bilang Nam Do-san), at Kang Han-na(bilang Won In-jae).

Sa Start-Up Ph naman ay bida si Alden bilang si Tristan Hernandez, si Bea bilang si Dani Sison, at si Yasmien bilang si Ina Diaz.

Idinirehe nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, napapanood ang Start-Up Ph sa GMA Telebabad bago ang What We Could Be nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …