Friday , November 15 2024
shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak ang naaresto sa Olongapo City kamakalawa.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang magkasanib na mga elemento ng  CPDEU, PS-3 SPDEU, SOU 3 PNP DEG, at OCMFC ay nagkasa ng anti-illegal drugs operation sa Brgy. New Asinan, Olongapo City.

Naging matagumpay ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto kina  Jayvee De Jesus y Afo alyas Jayvee, 31, residente ng Bajac-Bajac, Olongapo City ; Ramon Monzaga y Raagas alyas Kang, 31, residente ng Amagis St., Mabayuan, Olongapo City; at Ronna Marie Dela Vega y Acheta aka RM, 32, na residente naman ng Gordon Ave., New Asinan, Olongapo City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang piraso ng pakete ng plastic ng shabu, may timbang na  150 gramo at may DDB value na Php1,020,000.00 at Php 1,000.00 bill na marked money.

Nararapat na kasong paglabag sa  Sec.  5 at 11 of Art II ng R.A. 9165 ang isasampa laban sa tatlong suspek na inihahanda na sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …