Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ynez Veneracion

Ynez ayaw na sa pagpapa-sexy

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BALIK-PELIKULA ang sexy star na si Ynez Veneracion.

Sa pagkakataong ito, si Direk Njel de Mesa ang gagawa ng pagbabalik sa pag-arte ni Ynez na magko-comedy.

At ang leading man niya ay ang kilalang Faith Healer na si Nick Banayo. Na aming napag-alamang isa rin palang direktor at writer. At ilang indie films na rin ang nagawa. At ngayon nga, aarte pa.

Sa Ghost Informants, sari-saring personalidad ang sasakyan ni Ynez para sa paglutas ng mga bagay na hahanapan nila ng sagot ni Nick.

Sa preview ng The Miranda Bomb ni Direk Njel, nasabi ni Ynez na noon pa may offers sa kanya si Boss Vic (del Rosario) ng Viva Films.

Ang offer sa akin ni Boss Vic eh, sa Vivamax. At ang kaeksena ko raw eh super bagets na star nila. Tinanong ko ang gagawin ko. Alam ko naman na ‘pag Vivamax eh, sexy talaga o super sexy talaga ang mga eksena na ginagawa.

“Ano ba ‘yung level 5 daw na pagpapa-sexy?”

Ipinaliwanag naman namin kay Ynez kung hanggang saan pwede humantong ang mga level-level ng hubaran ngayon. Lalo sa Vivamax. Na lahat eh, pwede nang mabuyangyang. At mas marami nga ang ‘di na gumagamit ng plaster.

“Ay, kaya pala sabi ng management ko (kay Sylvia Sanchez), hindi ko na kailangan ‘yung gawin. Dahil sabi nga ng nagha-handle sa akin na si Ana Goma, graduate na ako sa pagpapa-sexy. Kaya ibang level na rin ang dapat na salangan ko now. Drama o kaya comedy. Itong gagawin namin kay Direk Njel may action din! ‘Yung sa Vivamax  si Direk Law Fajardo sana ang magiging direktor ko.”

Dahil sa dalawa niyang mga anak, kaya rin iniingatan ni Ynez ang pagtanggap ng mga role na gagawin niya sa harap ng kamera.

“Iba na ang pakiramdam. Gusto ko pa rin siyempre umarte. Pero ‘yun nga. Iba naman na.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …