Sunday , December 22 2024

Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 

092722 Hataw Frontpage

TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, batay sa inisyal na taya ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, ang initial assessment ay sumasakop sa 16,229 ektarya ng lupa sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon, simula 12 pm nitong Lunes, 26 Setyembre 2022.

Nangangahulugan ito na ang production loss ay 5,866 metriko tonelada (MT) ng mga commodities tulad ng palay, mais, at mataas na halaga ng mga pananim, na nakaapekto sa 740 magsasaka.

“These values are subject to validation. Additional damage and losses are expected in areas affected by ‘Karding’,” anang DA.

Bilang tugon, sinabi ng DA na magkakaloob ng ayuda ang kagawaran sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang 133,240 sako ng binhi ng palay; 5,729 sako ng buto ng mais; at 4,911 kilo ng sari-saring buto ng gulay.

Mayroon din umano itong mga gamot at biologic para sa mga baka at manok, fingerlings, at           alalay mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dagdag ng DA, maaari rin nitong gamitin ang Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at P500-milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (ALMAR DANGUILAN)

P15K UNCONDITIONAL SUBSIDY

SA MAGSASAKA, IBIGAY NG GOV’T

NANAWAGAN ang grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan na magbigay ng P15,000 unconditional production subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektohan sa paghagupit ng bagyong Karding.

“Mahigpit kaming nananawagan sa gobyerno na maglaan ng pondo para sa direktang subsidyo para sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda, lalo na ‘yung mga lubhang apektado ng bagyong Karding,” sabi ni Zoe Caballero, NNARA-Youth National Chairperson.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot sa 1,469,037 ektaryang taniman ng palay at 281,322 ektaryang taniman ng mais ang napinsala ng bagyong Karding.

“Instead of the aerial inspections that might even be a waste of public funds and the usual photo ops that are useless and counterproductive, the Marcos administration should render immediate assistance to those affected by the typhoon. What our farmers need is immediate cash assistance. Luging-lugi na nga ang mga magsasaka, walang patid pa ang pagtaas ng presyo ng farm inputs at iba pang bilihin, ngayon ay hinagupit pa ng bagyo. The first step that Marcos should take is to appropriate funds for a P15k production subsidy for our food producers,” ani Caballero.

May P206.6 bilyon ang nawala sa mga magsasaka mula 2019 hanggang 2021 bunsod ng implementasyon ng Rice Liberalization Law.

“Hindi totoo na walang pagkukuhaan ng pondo para sa subsidyo. This administration can and should reallocate the NTF-ELCAC funds used for red-tagging, as well as, confidential lump sum funds of the Office of the President and the Office of the Vice President. These funds should be allocated instead to aid our fellow Filipinos in need,” giit ni Caballero.

Nagsagawa kahapon ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac upang mabatid ang lawak ng pinsala ng bagyong Karding sa mga nasabing lalawigan.

Hindi muna aniya siya bibisita sa alinmang probinsiya na binayo ni Karding upang hindi makaabala sa isinasagawang relief operations ng mga lokal na pamahalaan.

“I will not land in any place because from my experience, pagka nasa local government ka lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho,” ani Marcos Jr., sa isang press briefing kahapon sa Camp Aguinaldo.

Dagdag ni FM Jr., “‘Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan ‘yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko ‘yung mga sasakyan nila. E ang dami nilang kailangang gawin so makaiistorbo lang ako.”

Matatandaang sa paghagupit ni Karding sa Luzon, limang rescuers ang namatay sa Bulacan at  halos 75,000 katao ang inilikas. (ROSE NOVENARIO)

NCRPO, SPD ‘TANDEM’

SA SEGURIDAD NG PUBLIKO

SA PANANALASA NI ‘KARDING’

TINIYAK ng National Capital Region Police Office at ng Southern Police District (NCRPO-SPD) ang seguridad ng publiko sa gitna ng paghagupit ng bagyong Karding.

Magdamag na nag-ikot ang mga miyembro at opisyal ng NCRPO partikular sa area ng SPD sa Pangunguna nina NCRPO Chief P/BGen. Jonnel Estomo at SPD Director P/Col. Kirby John Brion Kraft para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa harap ng paghagupit ng bagyong Karding.

Nagpatupad ang bawat Police Station na nasasakupan ng SPD ng mga polisiya at mga procedures sa paghagupit ng bagyo at nakipag-ugnayan sa local government units (LGUs) at sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng LDRRM, DPWH, at sa mga barangay.

Inihanda rin ng SPD ang rescue operation unit/s kasama ang ilang rescue team ng mga lokal na pamahalaan.

Bago dumating ang bagyong Karding, patuloy ang ginagawang clean-up drive ng SPD tuwing araw ng Huwebes upang tiyakin sakaling may dumating na bagyo na hindi ito magdudulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar o sa mga estero.

Bukod dito, tiniyak ng SPS na ‘activated’ ang detailed Disaster Incident Management Task Group bago ang paghagupit ni super typhoon Karding kamakalawa ng gabi. (GINA GARCIA)

Karding aftermath

MMDA NANATILING

NAKA-RED ALERT

HUMUPA man ang bagyong tinaguriang super typhoon Karding, nanatili pa rin sa red alert ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa agarang pagtugon sa epekto ng bagyo.

Patuloy na imino-monitor ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III ang sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metrobase sa gitna ng sama ng panahon upang matiyak na gumagana ang lahat ng CCTVs.

Ayon kay Dimayuga, nakahanda ang ahensiya na magtalaga ng frontline personnel at emergency vehicles para tulungan ang publiko sa National Capital Region (NCR).

Bumuo ng Task Force Karding ang MMDA na pinamumunuan ni Aldo Mayor, Chief ng MMDA Public Safety Division, mayroong 50 frontline personnel na handang i-deploy anomang oras.

Dagdag ni Dimayuga, ang mga tauhan na ito ay may kasamang kagamitan para sa water rescue, search, rescue, and retrieval operation (SRR), at 78 water purifiers.

Ang 71 pumping stations sa Metro Manila ay 100% operational para mabawasan ang pagbaha.

Samantala sinuspende na rin ng MMDA kahapon, 26  Setyembre, ng operasyon ng Pasig River Ferry Service dahil sa sama ng panahong dulot ng super typhoon Karding.

Ikinasa ng MMDA ang red alert bilang paghahanda sa epekto ng bagyong karding.

Inihanda rin ng MMDA ang rubber boats para magamit sa isasagawang rescue sa mga pamilyang maaaring maapektohan ng super typhoon Karding. (GINA GARCIA)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …