Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bobby Andrews Maris Racal

Bobby Andrews gaganap na tatay ni Maris 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MAPAPANOOD na simula sa Setyembre 29 ang dating teen heartthrob na si Bobby Andrews sa movie seryeng Suntok Sa Buwan na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas sa TV5

Gagampanan ni Bobby ang role ni Benj na estranged father ni Trina (Maris Racal). Katulad ng ibang mister na nangangaliwa, nagsimula si Benj sa isang temptation sa opisina. Akala niya ay hindi na ito masusundan pa at lalalim. Pero habang tumatagal ay na-in love na siya sa kanyang third party. Hanggang dumating ang panahon na na-realize niya na hindi na niya mahal ang asawa niya, ang nanay ni Trina.

Dahil dito, iniwan ni Benj ang kanyang pamilya bago pa lumala ang mga bagay-bagay. Bumuo siya ng pamilya sa bago niyang kinakasama. And true enough, naging masaya naman talaga sila as a family. 

Pero nang lumalaki na ang anak niya sa kanyang kinakasama, roon niya biglang naisip ang anak na si Trina na kanyang iniwan.  Na-guilty siya kaya gusto niyang mag-reconnect sa anak. Sobrang thankful naman si Benj sa bagong family niya dahil tanggap nila ang nakaraan niya at suportado pa ang kagustuhan niyang mapalapit sa iniwang anak. Kaya gagawin niya ang lahat para magpaka-tatay sa kanyang estranged daughter na si Trina.

Mapapanood ang Suntok sa Buwan weeknights sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …