Friday , November 15 2024
Trucks Protest DPWH

Truck drivers, pahinante at operators sa Bulacan, tumigil na sa pagbiyahe…
PROTESTA SA HINDI PATAS NA IMLEMENTASYON NG ANTI-OVERLOADING LAW

Sabay-sabay na tumigil sa pagbiyahe ang nasa 6,000 miyembro ng Bulakan Truckers Group nitong Setyembre 23 bilang protesta sa anila ay hindi patas na implementasyon na ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa gilid ng highway sa boundary ng Nueva Ecija at Bulacan ay nagtipon-tipon ang mga truck drivers, pahinante at operators na may kanya-kanyang hawak ng mga placards para iparating sa DPWH ang kanilang pagkadismaya sa hanapbuhay.

Anila, hindi na sila makabiyahe ng normal dahil sa walang humpay na paghuli ng DPWH sa mga truck nila na may kargang aggregates at buhangin dahil lagpas umano ang mga ito sa timbang na itinatakda ng batas ngunit tila namimili naman umano ang mga ito ng pagbabawalan.

Reklamo nila na hindi naman hinuhuli ang ibang malalaking truck na may kargang semento, bakal at iba pa o ang produktong pangkalakal.

Ayon sa Bulakan Truckers Association, tanging sila lamang ang pinahihirapan ng DPWH sa implementasyon ng R.A 8794 ngunit hindi hinuhuli ang iba pang hauler-trucks na may kargang bigas, gulay at iba pang produkto na nanggagaling ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at ilang lugar sa Nueva Ecija.

Panawagan ng Bulakan Truckers na makipag-pulong sa kanila ang DPWH upang pag-usapan ang win-win solution sa problemang ito dahil iniinda na ito ng mga truckers.

Ayon sa grupo, hindi makatarungan ang ginagawang pagbabawal ng DPWH na makabiyahe patungo ng Metro Manila ang mga trucks ng buhangin at bato na ang bigat ng karga ay 40 metric tons pataas.

Batay sa bagong polisiya ay 33 metric tons na bigat lamang at ibawas pa ang bigat ng dump truck kung kaya’t 13 metric tons na lang ang naikakargan buhangin o vibro sand at aggregates kada biyahe na hindi na anila paborable upang kumita kumpara sa mataas na presyo ng krudo.

Dahil dito ay napipilitan silang umiba ng ruta para makarating ng Metro Manila na dagdag 120km naman kada byahe.

Kayat ang dating nasa dalawa o tatlong byahe ng kanilang truck kada araw ay nakakaisang byahe na lang ngayon dahil sa haba ng dagdag kilometro sa ruta.

Dahil dito ay nagtataas na rin sila ng presyo ng buhangin at aggregates dahil sa dagdag gastusin sa hirap ng pagbyahe.

Bukod dito, tanging mga dump truck lamang ng buhangin at bato ang kanilang puntirya gayung mas mabigat pa aniya ang timbang ng mga haulers ng bigas, palay, gulay, prutas at iba pang produkto mula sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon na dumadaan ng Nueva Ecija, Bulakan patungo ng Metro Manila.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng grupo kung hanggang kailan sila titigil sa pagbiyahe hangga’t hindi nila nakaka-dayologo hinggil dito ang DPWH. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …