Sunday , December 22 2024
Arrest Posas Handcuff

Markado bilang top 10 most wanted person sa Bulacan, nakalawit

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang pugante na markado at matagal nang pinaghahanap ng batas matapos masukol sa pinagtataguan sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, sa mabalasik na manhunt operation na isinagawa ng tracker team ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City, dakong alas-11:45 ng umaga kamakalawa ay naaresto ang pugante na kinilalang si Edwin Mahinay, 48-anyos, at residente ng Brgy. Pandayan, Meycauayan City, Bulacan

Si Mahinay ay markado bilang Provincial Level Top 10 Most Wanted Person – ng Bulacan para sa paglabag sa RA  10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act).

Ang naturang pugante ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Elenita N.E. Macatangay-Aviar, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Malolos City, Bulacan.

Ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng arresting unit para sa nararapat na disposisyon bago i-turn-over  sa pinagmulang hukuman (court of origin).

Ayon kay OIC Arnedo, ang pagsisikap ng Bulacan police na mahuli at mailagay sa likod ng rehas ng katarungan ang mga taong pinaghahanap ng batas ay nakaayon sa direktiba ni Chief PNP PBGeneral Rodolfo Azurin Jr. na epektibong isinasagawa ni PNP Region 3 Director – PBGeneral Cesar R. Pasiwen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …