Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chinese national arestado sa pananakit sa ka-live-in na Pinay

Chinese national arestado sa pananakit sa ka-live-in na Pinay

INARESTO ng mga awtoridad ang isang dayuhan matapos ireklamo ng pananakit sa kinakasamang Pinay sa Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat mula sa tanggapan ni PBGeneral Cesar Pasiwen, PRO3 regional director, ang arestadong dayuhan ay si Ma Yichun, 24-anyos, Chinese national at kasalukuyang naninirahan sa The Sharp Clarkhills, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.

Ang suspek ay inaresto ng mga awtoridad matapos na ang kanyang live-in partner na itinago sa pangalang alyas “Emma”, 24-anyos, at residente ng Sta. Rita, Purok 4, Concepcion, Tarlac ay nagsumbong sa mga awtoridad na siya ay inaabusong pisikal ng kinakasamang dayuhan.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na bago ang pangyayari, ang biktima ay tumangging sumalo ng pagkain kay Yichun na ikinabalisa ng huli.

Pagkatapos nito ay dito na nagwala ang suspek at sinakal ang leeg ng biktima hanggang kinaladkad sa kanyang kuwarto at inumpog sa pader.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (An Act Defining Violence Against Women and their Children) ang kasalukuyang inihahanda laban sa suspek para sa court referral. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …