Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca GB Sampedro

Wilbert Ross, tinuhog ang limang Vivamax stars sa pelikulang 5 in 1

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

“FEELING ko, ako iyong pinakamagandang lalaki sa buong mundo ngayon, eh. Sobrang happy ko, nagustuhan ko siya at nagawa namin ang mga dapat naming gawin for the movie,” ito ang pahayag ni Wilbert Ross na tampok sa pelikulang 5 in 1.

Kasama ni Wilbert sa movie ang nagseseksihang sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, at Jela Cuenca. Mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro, ito’y mapapanood na simula ngayong Biyernes (Sept. 23), sa Vivamax.

Kahit na sabihing movie lang ito ay nakaka-drain ang mga love scene nila rito. Kaya inusisa namin si Wilbert kung ano ang ginagawa niya para manumbalik ang lakas sa bawat sexy scene na sumabak siya rito?  

Esplika niya, “Actually, nakaka-drain talaga sa bawat love scenes ko rito po sa pelikulang ito. Iniisip ko na lang po ang mga kinakain ko sa araw-araw, yung mga pangarap ko sa buhay…

Iniisip ko na lang po na talagang sobrang dedicated ako, kumbaga kapag binasa ko ang script, inire-ready ko talaga ang sarili ko, na itong araw na ito ay ito ang gagawin, ganito karami ang love scenes. Kaya ako mismo ay dinidisplina ko ang sarili ko na magpahinga, like pagkatapos po ng shoot, pag-uwi ko ng bahay ay tulog na agad.

“Pati pagkain ko po, like kumain nang maayos, dahil mahalaga po iyon,” wika pa ni Wilber.

“May nararamdaman ba ako minsan sa mga scenes na ganoon?” Ulit niya sa aming tanong. “I’m just a human being, hahaha! Pero honestly, minsan lang siya nangyayari, hindi siya yung every love scene, kasi kapag ako ay nasa love scene, sobrang naka-focus kasi ako sa gagawin, tapos ay kino-choreo ko po mismo iyong gagawin namin, para hindi na umulit.

“And also, hindi na rin po kasi bago sa akin ito, part of my world ko na ito, kaya hindi ko na masyado nilalagyan ng malisya o wala talaga. And yung mga accidental na pag-react, natural lang po iyon, iyon lang po,” nakangiting saad pa ni Wilbert.

Isang sexy-comedy Vivamax Original Movie, ang 5-in-1 ay kuwento ng isang binata na mayroong hindi lang isa, dalawa, o tatlo, kundi limang babae sa buhay niya. Guwapo,certified chick magnet, at successful businessman at CEO ng sikat na coffee brand na 5-in-1 coffee, na kay John “Dick” Jordi (Wilbert) na ang lahat, at kaya niyang makuha ang kahit ano, pati na ang pagkakaroon ng limang girlfriend – sina Mia (Debbie), Lexie (Rose), Maria (Ava), Riley Red (Angela), at Lana Rose (Jela).

Pero sa likod ng inaakalang “perfect life” ni Dick, magiging mapaglaro ang tadhana dahil maaga itong babawian ng buhay dahil sa sakit na pinili niyang isikreto. Ang biglaan niyang pagkawala ay magdadala ng gulat at lungkot, hindi lang sa mga naiwan niyang girlfriend, kundi pati na rin sa kapatid niyang madre na si Sister Teresa (Giselle Sanchez).

Dahil sa biglaan pagpanaw ni Dick, hindi alam kung sino ang bagong magma-manage sa naiwang coffee business nito. Magiging sakit din ito sa ulo ni Sister Teresa dahil hindi niya alam kung sino sa limang girlfriend ni Dick ang pinakaminahal niya at karapat dapat na maging bagong CEO ng 5-in-1 coffee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …