ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang netizens sa isang mahalagang kabanata ng ating kasaysayan via the short film na The Miranda Bomb.
Ito ay isinulat ng Palanca award winning writer na isa ring direktor/producer at MTRCB board member na si Direk Njel de Mesa, upang magpa-alala kung paano nagkawatak-watak ang mga Filipino noong 70’s hanggang ngayon.
Ang proyektong ito ang pagbabalik-showbiz ni Cheska Ortega na gumaganap ng pangunahing papel dito. Si Cheska ay dating ka-love team ni Sam Concepcion.
Ang pelikula ay halaw sa mga ibinunyag nina Victor Corpuz at Ruben Guevarra, ang kuwento tungkol sa isang foreign correspondent na nakakalap ng impormasyong nais pabagsakin ang noo’y pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at palabasin na siya ang nagplano ng pagbomba sa plaza,
Ito ang ikatlong pelikula na inilabas ni Direk Njel ngayong taon, matapos ang matagumpay na release ng kanyang Al Coda, starring Gerald Santos at Marion Aunor, Coronaphobia, na tampok sina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, at iba pa.
Nakatakda rin gawin ni Direk Njeal ang Subtext, kasama sina Ciara Sotto & Paolo Contis, at ang Ghost Informants with Nick Banayo, Ynez Veneracion, Dennis Padilla, etc.
Bitin ang mga nakapanood sa short film na The Miranda Bomb at hiling nila ay magkaroon na agad ito ng kasunod. Pero nagpahiwatig si Direk Njeal na tila posibleng maging series ito dahil interesting talaga ang nasabing short film.
Bukod kay Cheska, tampok din sa pelikula sina Ivan Padilla, Johnny Revilla, Njel de Mesa, Suzette Ranillo, Paolo Paraiso, Shaneley Santos, at Kay Kuijpers.