Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yves Santiago, ayaw isipin ang limitations sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG guwapitong hunk actor na si Yves Santiago ang isa sa mapapanood sa pelikulang The Escort Wife na palabas na ngayon sa Vivamax.

Tampok dito sina Janelle Tee, Raymond Bagatsing at Ava Mendez, mula sa pamamahala ni Direk Paul Basinillo.

Nagkuwento si Yves ukol sa kanilang pelikula, “Sa The Escort Wife, my role is si James, na best friend ni Roy (Raymond), na nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang wife.

“Si Janelle ang naka-love scene ko rito, ang masasabi ko na for me ‘yung love scene namin ni Janelle is intense, kasi if ire-relate ko sa buhay ko iyon, feeling ko po ay hindi ko kaya, hindi ko kayang gawin sa bestfriend ko ‘yung ganoon,” sambit niya.

Ang The Escort Wife ay third movie na ni Yves, na isa sa promising na talent ni Jojo Veloso. “Ang unang project ko po is Huwag Mong Agawin Ang Akin by direk Mac Alejandre and An/na by direk Joey Reyes, na mag-i-stream sa Vivamax ang first episode po sa Sept. 25,” sambit ni Yves.

Pagdating sa limitations niya sa pagpapa-sexy, kakayanin daw gawin ni Yves ang kung anomang ipagagawa sa kanya ng direktor.

“About my limitations, siguro it depends po sa ipagagawa ng direktor and kung paano po ie-execute… Pero kahit ano naman po iyan ay kakayanin ko po,” pakli ng aktor.

Sa pelikula, si Janelle bilang si Patricia ay isang bored housewife. Si Chrissy, na isang prostitute, ang inii-stalk ni Patricia ay ginagampanan naman ni Ava. Gusto na niyang iwan ang trabahong ito at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makapagtrabaho nang marangal at yumaman nang husto. Gusto niyang maging kasing-yaman ng kanyang mga kliyenteng lalaki. Isa rito ang asawa ni Patricia na si Roy (Raymond). Si Roy, isang doctor na mula sa mayamang pamilya.

Hindi nito gaanong binibigyang pansin si Patricia. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni Patricia ang kaugnayan nito kay Chrissy at hindi niya mapipigilan ang kanyang galit. Dito makikita ang kakaibang twist ng pelikula na dapat abangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …