Sunday , December 22 2024
Marc Cubales

Produ ng Cosmo Manila King & Queen 2022 na si Marc Cubales, mas pinabongga ang bikini pageant 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa pagiging matulungin si Marc Cubales, ang international model, producer, businessman, aktor, na kilala rin bilang pilantropo.

Si Marc ay sumabak na rin bilang producer ng Cosmo Manila King & Queen 2022 (The Search for Risque Runway Models). Ito ay sa ilalim ng MC Production House, na producer din ng pelikulang Finding Daddy Blake ni direk Jay Altarejos.

Nabanggit niyang isa sa rason, bukod sa gusto niyang i-level-up ang bikini pageant ay ang makatulong sa pageant at modeling world.

Wika ni Marc, “Una sa lahat dahil balik naman na tayo sa normal, nauuso na uli ‘yung bikini and sexy pageant competition. So, bilang producer ay gusto kong mauna na mag-produce at maunang magbalik ng bikini pageant sa mas magandang venue.

“Saka, higit sa lahat para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show.” 

Ano ang feeling na marami siyang nabibigyan ng trabaho ngayon lalo na sa modeling world? “’Yung feeling naman na nakakapagbigay ng work through producing, is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production, sobrang gagaling. Honestly ramdam ko ‘yung dedication nila sa work, deserve nila talaga na bumalik at magkaroon ulit ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila,” deklara pa ng mabait at matulunging si Marc.

Actually, inangat ni Marc ang kalidad sa bikini sexy show dahil malaki ang premyo. Grand winner: P100,000 cash (male and female), First runner -up-P40,000 cash, 2nd runnep- up-P30,000 cash, 3rd runner-up- P20,000 cash, 4th runner-up-P15,000 cash.

Ang finals ng Cosmo Manila King & Queen 2022 ay gaganapin sa Le Reve sa #26 Sgt. Esguerra, South Triangle Quezon City sa October 23, 2022, Sunday, 7PM.

Ang mga official candidates ay binubuo nina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar,Morena Carlos at Deberly Bangcore Ang mga official male candidates naman ay sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Dave Franco, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronnie Palermo, Yael Del Rosario, Ronniel Absalud, Vincent Caringal, Allen Ong Molina, Kirby Labrusca at Dom Corilla.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 09667088434 at 09602533903. Hanapin ang Supervising Producer: Edz Galindez, Production Manager: Leklek Tumalad, at ang Direktor: Bembem Espanto.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …