Thursday , May 15 2025
P400-M shabu nasabat sa Pampanga 2 Chinese nationals timbog

P400-M shabu nasabat sa Pampanga
2 Chinese nationals timbog

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P400-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operations sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 14 Setyembre.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagkasa ang magkasanib na mga operatiba ng SOU NCR at IFLD PNP-DEG katuwang ang Pampanga PPO at PDEA NCR ng anti-illegal drug operations sa Lakeshore sa bahagi ng NLEX, sa nabanggit na bayan kung saan nadakip ang mga suspek na kapwa Chinese nationals na kinilalang sina Wenjie Chen alyas Harry, 45 anyos, residente ng Brgy. San Antonio, Gerona, Tarlac; at Sy Yan Qing, 42 anyos, na residente ng Brgy. Sto. Domingo, Angeles, Pampanga.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 60 piraso ng vacuum-sealed plastic Chinese tea bags na naglalaman na may timbang 60 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P408,000,000; P5,000 marked money; celphone; mga iba’t ibang identification cards at dokumento.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang dalawa ay nasa pangkat ng tinatawag na Coplan Apocalypto na nabatid na mga notoryus sa pagkakalat ng maramihang droga sa mga lugar sa Metro Manila, Regions 3, at 4-A. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …