Wednesday , May 14 2025
DRUG DEN SINALAKAY 4 tulak arestado

DRUG DEN SINALAKAY
4 tulak arestado

ARESTADO apat na indibiduwal na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa isinagawang raid sa isang makeshift drug den sa lungsod gn Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 13 Setyembre.

Sa ulat mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edward Concepcion alyas Popong, 30 anyos; John Liangcungco, 37 anyos; Edwardo Concepcion, 54 anyos, pawang mga residente ng  Brgy. Poblacion; at Arnold Baron, 60 anyos, residente ng Brgy. Sapang Biabas, parehong sa nabanggit na lungsod.

Narekober sa inilatag na operasyon ang pitong selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng humigit-kumulang sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P103,500; sari-saring drug paraphernalia; at marked money na ipinain ng undercover PDEA agent.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …