Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor Gerald Santos Njel de Mesa

Marion nag-enjoy katrabaho sina Gerald at Direk Njel de Mesa sa Al Coda

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na ngayon sa YouTube ang Al Coda ng NDM Studios na tinatampukan nina Marion Aunor at Gerald Santos, ito ay mula sa pamamahala ni Direk Njel de Mesa.

Sa premiere night and presscon nito last week, nabanggit ng mga bida rito ang tungkol sa kanilang movie at pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa.

“Medyo may attitude po si Gerald, pero kinaya ko po,” pabirong panimula ni Marion.

“Anong attitude? Mabait na attitude,” nakangiting sambit ng aktres/singer.

Pagpapatuloy ng talented na anak ni Ms. Lala Aunor, “But it was a lot of fun shooting the film, actually most of the movie hindi ko na maalala nang shinoot namin, dahil two years ago nang shinoot namin most of the film.

“Pero na-enjoy ko naman ang film, super cool ng script at ‘yung music ang ganda rin.”

Ayon naman kay Gerald, “Ako, sa akin naman, it’s such a pleasure to work with Marion. Although it’s our first time, naging very smooth ‘yung aming working relationship.

“Kahit na may attitude rin siya, actually mas may attitude siya sa akin, pero kinaya ko rin iyon. So, nagkayanan lang kami sa isa’t isa, hahahaha!”

Biro ni Direk Njel sa mga taga-media, “Pakigawan na lang po ng intriga, para mag-viral kami at ma-promote iyong movie.”

Dagdag ni Gerald, “Tuwang-tuwa kami sa naging outcome, kumbaga hindi namin ini-expect na ganito ang kalalabasan nito. Dahil it was just such a fun and spontaneous project.”

Sa pelikulang ito, dating close sina Marion at Gerald ngunit nagkahiwalay ng landas dahil sa isang intriga. Pinagkrus muli ang landas nila dahil sa musika at naging happy ending naman ito.

One day shoot lang pala ito?

Sagot ni Marion, “Yeah, one day lang itong shoot, tapos ‘yung re-shoot ay this month lang, mga ilang hours lang iyon bale. Iyong last part lang bale iyon.”

Aniya, “I’m just grateful dahil ang saya, kahit one day shoot lang iyon. Although two years later pa namin ito inilabas,” natatawang saad niya.

Nag-enjoy daw si Marion sa paggawa ng Al Coda.

Maikling pakli niya, “Yes, super-enjoy naman ako sa paggawa ng movie na ito.”

Kumustang katrabaho sina Gerald at Direk Njel?

Esplika ni Marion, “Masaya po silang katrabaho, very fun on set, parang naglalaro lang po kaming lahat and then turned it into a movie. Hayon, masaya naman itong ganitong klaseng work.”

Tuloy-tuloy na ba siya sa pag-pursue niya ng acting career, since sa Vivamax ay madalas na rin siyang mapanood lately?

“Kung mabibigyan ng opportunity, go lang nang go, why not?” Nakangiting sambit ni Marion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …