BOLUNTARYO na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampubliko, hindi siksikan at may “good ventilations” na mga lugar, ayon sa Malacañang.
Alinsunod sa Executive Order 3, inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na alisin ang mandatory face mask requirement na ipinatupad ng pamahalaan nang magsimula ang CoVid-19 pandemic noong Marso 2020.
Hinimok ng pamahalaan ang senior citizens (60-anyos pataas), mga immune-compromised individuals at mga hindi pa kompleto ang bakuna na patuloy magsuot ng face masks at ipatupad ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon.
Alinsunod sa EO3, “Face masks should be continuously worn in indoor private or public establishments, including in public transportation by land, air, or sea, and in outdoor settings where physical distancing can’t be maintained.”
Inatasan ng Pangulo ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng pamahalaan kabilang ang state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations, government financial institutions, at lokal na pamahalaan na tulungan ang IATF sa pagpapatupad ng EO3. (ROSE NOVENARIO)