Monday , December 23 2024
Baha Calumpit Hagonoy Bulacan

Baha sa 2 bayan ng Bulacan dekada nang ‘di humuhupa

HINDI humuhupa, sa loob ng isang dekada, ang baha sa ilang komunidad sa mga barangay na nasasakupan ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan.

Ilang bahagi ng komunidad ang mistula nang ‘ghost town’ dahil maraming mga bahay ang inabandona ng mga residente, habang ang iba ay piniling tiisin ang paninirahan sa ganitong sitwasyon dahil walang ibang mapupuntahan.

Ayon sa ilang residente, halos tatlong dekada na silang nagsasakrapisyo sa baha simula nang pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991.

Pinakamatinding apektado ng pagbaha ang Sitio Nabong sa Brgy. Meysulao, sa Calumpit na halos hindi na iniiwanan ng baha.

Ganito rin ang sitwasyon sa Brgy. Mercado, sa bayan ng Hagonoy na kaunting pag-ulan lamang ay binabaha na.

May mga residente sa lugar na hindi na matirhan ang unang palapag ng kanilang mga bahay dahil nakalubog sa baha kaya sa ikawalang palapag na sila namamalagi.

Tawirin man nila ang baha ay kinakailangang sumakay sila ng mga bangka upang makarating sa kabayanan at makabili ng mga kinakailangang gamit sa bahay.

Partikular na apektado ng pagbaha sa naturang mga bayan ang mga kabataang mag-aaral na halos hindi na nakapapasok sa paaralan sa takot na tawirin ang malalalim na baha.

Samantala, aminado si Gob. Daniel Fernando na hindi madali ang kinakaharap na problema ng kanilang lalawigan pagdating sa baha.

Ngunit aniya, hinahanapan at pinagtutulungan nila ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor ang mga posibleng solusyon sa problemang ito.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa ng malawakang dredging operation ang pamahalaang panlalawigan sa waterways sa mga binabahang bayan sa lalawigan upang kahit paano ay maibsan ang pagbaha dito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …