Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sexual harrassment hipo

4 babaeng menor de edad na ibinubugaw, nasagip

NASAGIP ng mga awtoridad ang apat na kabataang babae na ibinubugaw para sa serbisyong seksuwal sa mga kalalakihan sa Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt.Colonel Julius Alvaro, acting chief of police ng Baliwag Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Relly B. Arnedo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, ang magkasanib na entrapment at rescue operation ay ikinasa ng Regional Anti-Trafficking in Person Task Group (RATTG3), RWCP, mga tauhan ng RIDND, WCPD Baliwag MPS, at Bulacan PPO katuwang ang DSWD Bulacan sa Brgy. Sta. Barbara, Baliwag dakong 5:00 pm.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasagip ng apat na kababaihan pawang menor de edad, habang naaresto ang tumatayong bugaw na isang 16-anyos residente sa San Roque, Baliwag, Bulacan.

Napag-alamang ang mga nabanggit na operating team ay nagposte ng poseur customers na nagbayad para sa apat na kabataang babae gamit ang markadong boodle money bilang kabayaran sa serbisyong seksuwal.

Matapos masagip, ang apat na menor de edad ay dinala sa Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga pati na rin ang 16-anyos suspek para sa nararapat na disposisyon ng kaso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …