Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rubilen “Bingkay” Amit
Caption: MALAKAS na sinimulan ni 2013 World Women’s 10-Ball Champion Rubilen “Bingkay” Amit ang kanyang kampanya sa laban, kasalukuyang nasa kandili ni businessman/sportsman Aristeo “Putch” Puyat na kinikilalang God Father of Philippine Billiards.

Sa Austria
AMIT, CENTENO NAGPARAMDAM AGAD NG LAKAS 

MANILA, Philippines – Nagparamdam agad ng lakas sina Billiard stars Rubilen Amit at Chezka Centeno matapos magtumbok ng magkahiwalay na panalo sa opening round ng Predator World Women’s 10-Ball Championship sa Klagenfurt, Austria, nitong Miyerkoles.

Si Amit na ang palayaw ay “Bingkay” ay pinataob si Yi Yun Su ng Chinese-Taipei, 7-0, habang angat naman si Centeno kontra kay Elise Qiu ng Netherlands, 7-0.

Ang 2013 World Women’s 10-Ball Champion Amit, na nasa kandili ni businessman/sportsman Aristeo “Putch” Puyat, kinikilalang God Father of Philippine Billiards ay makakatambal sina Carlo Biado at Johann Chua sa World Team Championships sa nasabing parehong venue.

Nagbigay ng pahayag si World-renowned blogger Leslie “Anito Kid” Mapugay sa ating PH bets sa Austria:

“To Bingkay, Chezka, Johann, and Carlo: You are our champions on and off the green felt. You represent the best of the best from the Pool Capital of the World. All of you carry the hopes and dreams of an entire nation. I am very, very proud of y’all! We all are! Mahal na mahal namin kayo. Wishing our Team Philippines the very best. Mabuhay,” sabi ni Mapugay na co-founder ng Makati Pool Players Association – MAPPA, at kasalukuyang isa sa Board of Directors at nagsisilbing Public Relations Officer sa leadership ni MAPPA President Arvin Arceo. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …