Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ferdinand Topacio Heartney Martinez

Beauty queen ilulunsad ni Topacio 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TUMIBOK na naman ang puso ni Atty. Ferdinand Topacio na bumusog sa kanyang mga mata sa namulatawang sariwang kagandahan sa isang rehearsal ng isang paligsahan ng mga dilag sa may malamig na klimang siyudad ng Baguio kamakailan.

Beauty queen naman kasi ang dating ng nagdiwang ng kanyang ika-20 kaarawan na si Heartney Martinez sa Pandan Asia Café.

At nang nahilingang umawit, may magandang tinig din ito.

Ang plano nga ni Atty. T sa kanya ay bigyan na ng pelikula very soon! Sa One Dinner A Night. At baka rin sa Pain.

Kilala na si Atty. T sa pagtulong. Gaya sa huli niyang ipinrodyus ng online concert na si Myrtle Sarroza. Na kasama rin sa nakatakda nang mapanood sa mga sinehan na three years in the making na Mamasapano.

Si Atty. T din ang nasa likod at nagtatanggol sa kaso ni Deniece Cornejo sa TV host, dancer, actor na si Vhong Navarro.

Sa kabila ng inabot na kontrobersiya ng Mamasapano na ang layon naman ni Atty. T ay matulungan ang pamilya ng nabiktimang SAF 44 soldiers, gagawin pa rin niyang maipalabas ito sa mga sinehan.

Samantala, hopeful si Heartney sa career na tatahakin niya sa kasalukuyan.

Natawa naman ang press na nakipagdiwang ng kaarawan sa kanya nang sabihin niyang “Ipina-background check ko po siya (referring to Atty. T)!”

Aliw, ‘di ba?

Ratsada na muli ang Borracho Productions ni Atty. T and partners!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …