Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

5 tulak, 9 pa timbog sa Bulacan

ARESTADO ang limang hinihinalang mga tulak kasama ang apat na pinaghahanap ng batas at limang huli sa aktong nagsusugal sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Lunes ng umaga, 5 Setyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang limang drug suspects sa serye ng anti-illegal drugs operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng San Rafael, Guiguinto, Malolos, San Jose del Monte, at Sta. Maria katuwang ang mga tauhan ng SOU 3, PNP DEG.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Alegre ng Brgy. Tibag, Baliuag; Romnick Ramos ng Sta. Rita, Guiguinto; Redgie Lema ng Brgy. Abulalas, Hagonoy; Shinred Ken Chua ng Brgy. Bulihan, Malolos; at Rodante Malate ng Brgy. Kaypian, San Jose del Monte.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang 24 pakete ng selyadong plastik ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Samantala, sa ikinasamg manhunt operations ng tracker teams ng San Jose del Monte CPS, Meycauayan CPS, Pulilan MPS, at Bulakan MPS, nadakip ang apat na wanted na indibidwal sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ang mga akusadong sina Baby Cake Bondoc sa kasong Estafa at Cyberlibel alinsunod sa RA 10175; Aldrin Santos, Sexual Assault; Remeric Ablang, Estafa (other deceits); at Rojel Jose Buhay sa kasong Unjust Vexation.

Nasukol sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Meycauayan CPS sa Brgy. Malhacan, Meycauayan ang limang indibidwal na naaktohan sa pagsusugal ng ‘cara y cruz’ kung saan narekober sa kanila ang tatlong pisong barya at perang taya sa iba’t ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …