MATABIL
ni John Fontanilla
HANDANG-HANDA nang pasukin ang recording scene by 2023 ni Liza Soberano mula sa recording company ng kanyang manager na si James Reid, ang Careless Music Manila.
Batay sa interview ng CNN Philippines, may mga kanta na itong pinag-aaralan na ire-record ng aktres sa susunod na taon.
“I’m also going to be working on my music career early next year. I’ve been already listening to a bunch of demo songs that are both Careless and transparent arts,” pagbabalita ni Liza.
Balita ring may pag-uusap na naganap kina Liza, James, Bella Poarch, at Bretman Rock para sa isang collaboration nang bumisita at magbakasyon ang mga ito sa Hawaii.
Bukod pa rito ang posibleng collab ng aktes sa ilang Korean hip-hop stars tulad ni Jay Park ng GOT7, Bambam, DK ng IKON, at Hoony ng WINNER next year.