Friday , May 16 2025
prison rape

Sa Angeles City, Pampanga
PUGANTENG RAPIST TIMBOG

INARESTO ng mga awtoridad ang isang puganteng may kinakaharap na kasong panggagahasa mula sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes ng umaga, 30 Agosto.

Sa bisa ng isinilbing warrant of arrest, hindi na nagawang makapalag  ng akusadong kinilalang si Edward Salonga, 30 anyos, driver, residente sa Dinalupihan, Bataan.

Isinagawa ang pagdakip sa suspek dakong 10:50 am kamakalawa sa Purok 4, Brgy. Pulungbulu, sa nabanggit na lungsod, sa bisa ng arrest warrant na nilagdaan ni Presiding Judge Katrina Nora S. Buan-Factora ng Angeles City RTC Branch 101-Family Court.

Nahaharap si Salonga sa tatlong bilang ng kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Naging matagumpay ang pag-aresto sa suspek sa pangunguna ng pinagsanib na puwersa ng CIT – Angeles RIU3 sa superbisyon ni P/Maj. Cherry Tirasol, RIDMB3, PHPT-Angeles, CIDG/CFU-Angeles, CIU/ACPO, CIDMU/ACPO, Porac MPS, at ng Angeles CPS sa ilalim ng superbisyon ni P/Maj. Agnes Nolasco.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Angeles City Jail matapos isailalim sa nararapat na proseso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …