Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Toni Gonzaga Korina Sanchez Anthony Taberna

AMBS aarangkada na;  Willie, Toni, Korina, Anthony mapapanood

HATAWAN
ni Ed de Leon

NASA test broadcast pa rin ang bagong network na AMBS, wala ka pang makikita kundi ang kanilang station ID at ang color key.

Wala pa silang inia-annouce officially na magkakaroon ng programa sa kanila maliban kina Willie Revillame at Toni Gonzaga, na mukhang gagawin lang namang talk show ang kanyang vlog.

Sa news naman, maraming mga pangalang nabanggit noong una pero mukhang ang kompirmado lang sa ngayon ay si Korina Sanchez at si Anthony Taberna.

Sa mga artista wala pa kaming naririnig na negosasyon, maliban kay Claudine Barretto na nagsabing gusto niyang sumama sa AMBS, at ang kanyang manager ay nakikipag-negotiate na.

Narinig din namin some time in the past na nagsabi si Teejay Marquez na mukhang magkakaroon daw siya ng project sa AMBS. Ibig sabihin wala pa silang big star talaga na panlaban sa mga teleserye, maliban kung maging blocktimer din nila ang ABS CBN, na mukhang malabo dahil sumosyo na sa TV5. Sa sosyo, kikita sila hindi lamang bilang content producer kundi may parte rin sa kita ng network. Sa blocktime agreement kasi, sila magbebenta ng kanilang show at magbabayad sila sa network.

Pero hindi kami naniniwala na bubuksan nila ang bagong network nang walang mabigat na content kaya baka magulat na lang tayo na may malalaking stars na pala silang ka-deal. Hindi na nila maaaring i-delay pa ang kanilang regular broadcast. Kung hindi baka maunahan pa sila ng migration sa digital broadcast, sayang naman ang transmitter

na ginagamit nila sa ngayon. Investment iyon na walang balik kung hindi nila magagamit maliban sa test broadcast. 

Tiyak iyan, hindi pa rin naman sila makalalaban sa ratings, dahil Metro Manila broadcast pa lang naman sila. Wala pa silang sinasabing nakuha nilang provincial stations, na kung iisipin mo magiging useless din naman oras na mag-migrate tayo sa digital broadcast na ang target ng gobyerno ay sa susunod na taon. Pero malabo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …