ni Ed de Leon
NAGING wise na si direk. Hindi na raw niya pinapansin ngayon ang mga request na G Cash ng kanyang boylet, after all nalaman niyang hindi naman pala relasyon ang pinasukan nila kundi ang turing sa kanya ng boylet ay “client” lamang.
“Eh ‘di kung gusto ko siya bayaran ko na lang. Bakit ko siya bibigyan ng datung kung wala namang services in return,” matigas na sabi ni direk.
Inaamin ni direk, na nasaktan siya nang sabihin sa kanya ng boylet na ayaw niyon ng relasyon, at para sa kanya, tama na iyong kung nagkikita na lang sila. Pinutol na rin ni direk ang iba pang sustento sa boylet. Buti naman wise na si direk.