Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RR Enriquez Ruru Madrid Bianca Umali

RR Enriquez binuweltahan daddy ni Ruru 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naibigan ni RR Enriquez ang pahayag ng ama ni Ruru Madrid na si Bhong Madrid nang sabihing hindi siya kilala at ‘di busy kaya maraming oras para makialam sa buhay ng iba.

Nagbigay kasi ng komento si RR sa relasyong Bianca Umali at Ruru na tumagal ng apat na taon na walang label.

“4 years is too long para hindi n’yo pa din malagyan ng label yan…“Buti pa ‘yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga,” ani RR.

Kaya naman to the rescue ang ama ni Ruru at pinatulan ang pahayag ni RR at dito na nga nilait-lait ang former Wowowee co-host.

Pero palaban si RR na nagpost naman sa kanyang IG account ng sagot sa mga naging pahayag ng daddy ni Ruru.

“Ahahaha I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito na pumatol sa pagiging sawsawera ko,”ani RR.

Dagdag pa nito, “Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago.

“Ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo,” hirit pa ng starlet.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …