Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Walang ‘honeymoon’ period si Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil hindi pa man nagtatagal sa panunungkulan, kaliwa’t kanang problema na kaagad ang kinakaharap ng kanyang administrasyon.

Ang nakaugaliang 100-day ‘honeymoon’ period na ibinibigay sa isang bagong pangulo ay hindi nangyari, at sa halip sunod-sunod na batikos ang tinanggap ni Bongbong bunga na rin ng kapalpakan ng mga taong kanyang itinalaga sa iba’t ibang departamento.

Kung tutuusin, sa Oktubre 8 pa sana ang huling araw ng ‘honeymoon’ period ni Bongbong na nanumpa bilang pangulo noong Hunyo 30 sa isinagawang inagurasyon sa National Museum sa Maynila.

Sa panimula pa lamang ng panunungkulan, sinalubong na kaagad si Bongbong ng kontrobersiya lalo na sa pagkakahirang kay Christopher Pastrana bilang GM ng Philippine Ports Authority at kay Raphael Lotilla bilang secretary ng Department of Energy.

Inakala ng marami na wala nang problema si Bongbong matapos ang gulo sa PPA at DOE, pero bigla na lamang sumambulat ang tinatawag na ‘sugar importation scandal’ na hanggang ngayon ay patuloy na bumubulabog sa pangulo.

At hindi lamang mga opisyal ng SRA at DA ang kasalukuyang nasa gitna ng eskandalo kundi pati na rin si Executive Secretary Vic Rodriguez na muling ipatatawag ng Senado para linawin kung may kinalaman siya sa Sugar Order No. 4 o ang tangkang pag-angkat ng 300 metric tons ng asukal.

Kabilang din sa kontrobersiya ng administrasyon ni Bongbong ay ang gulo na nilikha ng educational cash aid sa mahihirap na mag-aaral na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development at ang walang kamatayang smuggling na nangyayari sa Bureau of Customs.

Kung titingnan mabuti, mahirap talagang palampasin ng mga kritiko ang gulo na pinasok ng mga tauhan ni Bongbong, at lalong mahirap sabihing hindi na muna dapat batikusin ang mga pagkakamali ng gobyerno dahil nasa ‘honeymoon’ period pa ang pangulo.

At sa bawat sablay na gagawin ng mga bagong naninilbihan sa pamahalaan, tiyak si Bongbong ang mapuputukan ng sisi ng taongbayan.

Kaya nga, dapat talagang maging maingat ang mga nakapalibot kay Bongbong lalo na ang mga nasa sensitibong posisyon tulad ni Vic na ngayon ay nahaharap sa napakaraming problema at kontrobersiya na kailangang lutasin.

Mahaba pa ang gera na papasukin ng administrasyon ni Bongbong, at mukhang nakatuon kay Vic ang banat na siguradong ang pangulo ang tatamaan. Hindi lang mga politiko ang may galit at sama ng loob sa executive secretary kundi pati ang ilang malalaking negosyante.

Payo lang natin, maging matatag at bantayan ang inaasahan pang mga atake ng mga kalaban lalo na ang upak na gagawin ni Senator Imee Marcos na matagal nang nanggigigil kay Vic.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …