Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Si Totoy sa Harapan ng Eskaparate

SIPAT
ni Mat Vicencio

GANYAN nga Totoy

busugin mo ang ‘yong mga mata.

Sa bawat ikot ng nakatuhog na manok

at sa bawat patak ng mantikang katakam-takam

ang manok ay di mo dapat pakawalan.

Titigan mong mabuti Totoy

at kung maaari

ay huwag kang kukurap

pagkat ang mahalaga

mabusog ang mga mata mong dilat.

Ngunit mag-iingat ka lang Totoy

baka mapansin ka ni Beho

na may-ari ng restaurant

galit ‘yan sa mga katulad mong

laging nasa harapan ng eskaparate

at baka mahataw ka ng dalang pambugaw

sa tulad mong aaligid-aligid na langaw.

Kaya alisto ka Totoy

baka makita ka ni Beho

na nakatunghay sa nakatuhog na manok

at ipahuli ka sa mga pulis

na di nagbabayad ng pananghalian

sa kanyang restaurant.

O, bakit ka dumampot ng bato Totoy?

Babasagin mo ang eskaparate?

Hindi mo na ba matiis ang gutom?

Baka may ibang paraan pa Totoy

sandali lang Totoy

papalabas si Beho

Totoy takbo… takbo… bilis!!!

     “mulis, mulis…

       mananakaw, mananakaw

       akyin tsiken nguha!

       Mananakaw… mulis!”

(Batay sa Social Weather Station survey, umaabot sa 12.2 porsyento o 3.1 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom simula Enero hangang Abril 2022 dahil sa kakulangan ng pagkain.

Nakapagtala ng pinakamataas na insidente ng kagutuman, batay sa SWS, sa Metro Manila na may rekord na 18.6 porsyento o tinatayang 636,000 pamilya ang walang makain.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …