Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romy Suzara

Dahilan ng pagkamatay ‘di pa malinaw
VETERAN DIREKTOR ROMY SUZARA PUMANAW NA

HATAWAN
ni Ed de Leon

PUMANAW na ang isa pang showbiz icon, si direk Romy Suzara. Pero ang totoo, hindi pa malinaw sa amin ang kuwento ng kanyang pagpanaw. Basta ang sabi sa amin ni direk Armand Reyes, noong Monday morning ay bumaba nang bumaba ang blood pressure ni direk Romy habang nasa ICU ng isang ospital. Tapos natuluyan na nga.

May suspetsa kami, at ito naman ay suspetsa lang dahil nangyari rin iyan sa amin noong araw, bumaba nang bumaba ang kanyang blood pressure dahil may bara na ang kanyang puso at hindi na makapag-pump ng dugo. Sa amin noon, itinaas ang paanan ng kama namin sa ospital para ang dugo raw ay makababa sa ulo, dahil kung hindi baka maging brain dead ka.

Huli naming nakita si direk Romy na nagdi-direct noon ng Healing Eucharist, iyong Sunday mass sa ABS-CBN.

Maraming nagawang pelikula noon si direk Romy, karamihan ay mga action picture ni Rudy Fernandez. Pero ang paborito naming ginawa ni direk Romy ay iyong Sarah Ang Munting Prinsesa, at iyong Cedie na hango sa kuwentong Little Lord Fauntleroy na kapwa pambata.

Nabalitaan din naming two weeks ago naoperahan pa si direk. Mayroon daw siyang isang buto na kailangang palitan ng titanium, pero hindi naman maliwanag sa amin kung nagkaroon ba siya ng aksidente o ano. Basta inoperahan daw. Hindi rin sinabi kung saang ospital iyon. Tapos ipinasok daw sa ICU. Palagay namin sa ospital na iyon din siya yumao. Wala pang ibang detalye, siguro hinihintay pa ang kanyang pamilya para magbigay ng statement. Ito ay isang running story, baka binabasa ninyo ito, may statement na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …