MATABIL
ni John Fontanilla
FINALLY ay natapos na ang tapin ng Runningman PH sa Seoul, South Korea na inabot sila ng 45 days. Hindi naman araw-araw ang shoot or taping nito na for airing sa September sa GMA.
Excited lahat pagdating sa South Korea at lahat sila ay under sa mga GMA bosses. Nagpunta sila roon para sa programang Runningman PH at hindi para magbakasyon or good time. Kaya under strict supervision sila at hindi puwede ag pa-gala-gala kahit sa mga rest day unless may permiso ng namamahala. Pinapayagan naman silang mamasyal basta magkakasama at under the guidance ng nakatataas.
Masaya ang lahat at natutuwa ang mga namamahala at nakita nila ang closeness ng bawat isa at nagkaron ng bonding. Si Ruru Madrid naman na bukod sa trabaho ay madalas nagpo-post para sa kanyang IG at FB. Sinisiguro niya na makakaipon siya para sa content ng vlog niya.
Matapos ang ilang linggo kahit magkakasama sila ay naramdaman nila ang lungkot dahil na-homesick na at hinahanap-hanap na nila ang buhay sa Pilipinas. Nanawa na sa Korean Food. Minsan naman kapag lumalabas sila ay nag-hi-Help sila para makapagluto sila ng Filipino food. May napuntahan nga silang Filipino event at doon ay nakatikim sila ng mga Filipino food.
Lately ay napabalita ang malalakas na ulan at kaya maraming lugar sa Seoul na baha at ikinamatay ng marami. Mabuti na lang at papauwi na ang grupo at hindi na nila mararanasan ang trahedya.
Nitong pauwi na sila ay bigla namang sinorpresa ni Bianca Umali si Ruru. Walang kaalam-alam si Ruru na darating ang girlfriend. Mabuti na lang behave ang Ruru. (Joe Barrameda)