MALAPIT nang mapanood ang feel-good series ng Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na What We Could Be.
Nag-uumapaw ang excitement at kilig ng Kapuso viewers dahil sa mga pasilip na eksena ng serye. Komento ng isang avid fan, “Lumevel up na talaga ang GMA sa romcom. Tapos ang director pa nito ay si Jeffrey Jeturian na kilalang mahusay at maganda ang mga nagawang series. Aabangan ko ito. Infairness ang ganda rin ng OST dagdag kilig!”
Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit sabik na sabik ang lahat sa nalalapit na pagsisimula ng programa dahil ito ang kauna-unahang collaboration ng GMA at Quantum Films.
Abangan ang much awaited world premiere ng What We Could Be sa August 29 sa GMA. (Joe Barrameda)