ATTENTION, Clash Nation! The search is on para sa next singing sensation sa 5th season ng original reality singing competition ng GMA na The Clash. Nagsimula na ang online auditions noong August 7 para sa lahat ng Filipinong may edad 16 pataas at may natatanging galing sa pag-awit.
Maaaring mag-submit ng audition video sa pamamagitan ng audition form or QR code na matatagpuan sa kanilang official social media accounts.
Lahat ng interesadong sumali ay kailangan lamang mag-upload ng video na naglalaman ng kanilang self-introduction, isang Tagalog song, at isang English song. Maaaring kumanta ng acapella o may kasamang live instrument. Pinapakiusapan din ang lahat na iwasan gumamit ng voice effects or enhancements sa kanilang mga video. (Joe Barrameda)