ni Ed de Leon
SIYEMPRE sasabihin niya bunga iyon ng kanyang pagsisikap at pagtitipid, pero kuwentahin mo man ang lahat ng kinita niya, hindi sapat iyon para sa malaki niyang bahay, mga mamahaling kasangkapan doon at ang kotse niya.
Ang balita ay “gift” iyon ng isang mayamang gay realtor sa kanya, na siya ring nagbigay ng kabuhayan sa pinsan niya. Siyempre ang gay millionaire ay naghahanap nang mas bata, at dahil matured na rin ang pinsan niya, sa kanya naman nabaling ang pansin at “pagkalinga” niyon.