COOL JOE!
ni Joe Barrameda
EXCITED si Jillian Ward sa bago niyang project sa GMA. Ito ay ang Abot Kamay Na Pangarap, isang afternoon teleserye.
Kamakailan ay may ipinost si Jillian na ang buong cast ay nag-observe o nanood ng live sa isang brain operation sa isang hospital na hindi binanggit ang pangalan. Pero mas kinilig si Jillian sa guesting niya sa Happy ToGetHerni John Lloyd Cruz.
Mukhang si Lloydie ang kinakiligan niya. Wish niya na makapag-guest siya ulit doon kaya naman ipinarating namin ang kahilingan ni Jillian sa production ng sitcom.
Samantala, balik-telebisyon ang Sparkle leading man na si Richard Yap sa Abot Kamay na Pangarap. Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doctor kaya kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya. Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role.
Bukod kay Richard, pasok din sa cast nito sina Carmina Villarroel bilang Lyneth at Jillian bilang Analyn. Kasama rin sa star-studded cast sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.
Tutukan ang Abot Kamay Na Pangarap, this September sa GMA-7.