ni Glen P. Sibonga
IPINAGMALAKI ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ang pag-renew ng kontrata bilang brand ambassador ng Ultimate Heartthrob and leadingman na si Piolo Pascual.
Noong Miyerkoles, Agosto 17, sumabak si Piolo sa panibagong pictorial kasabay ng renewal of contract for another year sa Beautederm.
Ipinasilip ni Ms. Rhea sa kanyang ipinost na videos at pictures sa Facebook at Instagram ang ilang eksena sa pictorial. Kasama ang caption na, “Thank you for today Team Piolo Pascual. Piolo signed another One Year Contract with #BEAUTéDERM ! This is His 3rd Year with us! Kahit sobrang Bz Yan He takes time to post our prooducts! Salamat sa pagmamahal sa aking munting kumpanya Piolo! I really appreciate it. #BeautédermAmbassador #PioloPascualForBeautederm”
Ine-endorse ni Piolo ang Beautederm Beau Charcoal Soap. Sa isang post nga niya sa social media para i-promote ang product sinabi niya na, “I never go to bed without freshening-up with BEAUTéDERM Beau Charcoal Soap from its Spruce & Dash Collection!
“BEAU Charcoal Soap gives an amazing deep cleanse due to activates charcoal, removing all unwanted excess oil and dirt from the skin.”
Samantala, bago ang renewal of contract nauna nang pinasaya ni Piolo ang mga dumalo sa ginanap na Beautederm Franchisee Ball 2022 sa Clark Marriott Hotel.
Talaga namang pinagkaguluhan si Piolo ng mga Beautederm store owners at franchisees nang haranahin niya ang mga ito sa espesyal na gabi na bahagi ng selebrasyon ng 13th anniversary ng Beautederm.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ms. Rhea kay Piolo. “Thank you Piolo Pascual
For making our Franchisee Ball all the more memorable”
Dumalo rin sa naturang Franchisee Ball ang iba pang Beautederm celebrity ambassadors at ang iba ay nag-perform pa. Kabilang dito sina Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion, Jelai Andres, Kakai Bautista, Pauline Mendoza, Sherilyn Reyes Tan, Alma Concepcion, Luke Mijares, Maricel Morales, Ryle Santiago, Ejay Falcon, at Jana Roxas. Naging guest speaker naman si Ms. Korina Sanchez-Roxas sa Franchisee Conference.